
talaSalitaan Episode 7: “Sali-Salin: Danas at Usapin ng Pagsasaling Lokal at Internasyonal”
Author: UP Open University via YouTube
Go to Source
Sa pagtutulungan ng Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman at Center for Open and Digital Teaching and Learning ng UP Open University, at pakikiisa ng mga ekspertong tagasalin, guro, at manunulat, inihahatid ang ikapitong episode ng TalaSalitaan Online: Talakayan sa Wikang Filipino, Akademya, at Bayan.
Tuklasin ang papel ng pagsasalin ng mga akdang pampanitikan sa pagpapalaganap ng kaalaman at kultura sa lokal at internasyonal na antas. Sama-sama nating alamin kung paano nagkakaugnay ang wika, kultura, at pananaw sa pamamagitan ng salin. Kaya makisali sa salin!
Mga Tagapagsalita:
Dr. John E. Barrios, Kawaksing Propesor, Editor, Tagasalin, Manunulat, at Guro sa Panitikan, Unibersidad ng Pilipinas Visayas
Kaw. Prop. Amado Anthony G. Mendoza, Kawaksing Propesor, Tagasalin, at Manunulat, Unibersidad ng Pilipinas Diliman
G. Adrian Pete Pregonir, Guro, Manunulat, at Tagasalin, Pamantasang Notre Dame ng Marbel
Tagapagpadaloy: Gng. Katherine T. Jayme, University Extension Specialist, Sentro ng Wikang Filipino-UP Diliman
Halina’t makilahok sa isang oras na talakayan tungkol sa wikang Filipino, akademya, at bayan!
Mapapanood ito nang live sa 21 Abril 2025 (Lunes), 2:00 nh – 3:00 nh sa SWF-UPD platforms [https://www.facebook.com/swfupdiliman], [https://www.youtube.com/@swfupd] at sa UPOU platforms [https://www.facebook.com/UPOpenUniversityNetworks] [networks.upou.edu.ph/talasalitaan-online].